-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umapaw na ang mga putik sa ilang bahay at daan sa Barangay Bulatukan, Makilala North Cotabato dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Isang bangkay rin ng lalaki ang natagpuan sa ilong ng Brgy Bulatukan matapos tangayin ng rumaragasang tubig baha.

Ang pagbaha ay dulot ng malakas na buhos ng ulan dahil sa sama ng panahon.

Nagpaalala ang mga kawani ng Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa mga nakatira sa gilid ng ilog at bundok na mag-ingat sa pagragasa ng baha at pagguho ng lupa.

Sa ngayon ay patuloy pa na inaalam ng mga otoridad ang pagkakilanlan ng biktima na inanod ng baha.