LAOAG CITY – Ipinaalam ni PMaj. Joseph Tayaban, hepe ng PNP-San Nicolas ang nangyaring aksidente sa kahabaan ng manila north road na bahagi ng Brgy. 19 San Lorenzo San Nicolas, at dahilan ng pagkamatay ng isang indibidual.
Ayon kay Tayaban, patungo sa hilagang direksyon ang isang aluminum van na minaneho ni Romel Bautista y Palecpec, 26-anyos at residente ng Brgy. Naguiddayan, Bantay, Ilocos Sur.
Samantala, sinabi ni Tayaban na patungo sa silangang direksyon ang Euro motorcyle na naggaling sa isang kainan at minaneho ni Hinaro Agarpao y Salvador, 53-anyos kasama ang kang pamangkin na si Melgie Agarpao y Valera, 22-anyo at pawang tubo ng Fuga Island, Appari, Cagayan at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. 21, San Nicolas.
Ipinaliwanag ng hepe na habang binabaybay ng dalawang behikulo ang nasabing kalsada ay biglang nagkabanggaan ang mga ito sa gitna ng kalsada.
Nasira ang ilaw ng aluminum van kasama ang side mirror habang tumilapon ang dalwang sakay ng motorsiklo.
Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t -ibang parte ng kawatan ang angkas sa motorsiklo habang agad na nawalan ng malay ang driver dahil sa pagtamo ng matinding sugat.
Nadala ito sa Governor Roque Ablan Senior Memorial Hospital ngunit idineklarang dead on a arrival ni Dr. Frankie Pete Albano.
Nalaman na parehong nasa impluwensya nga alak ang driver at angkas ng motorisklo habang hinihintay naman ang kumpirmasyon kung nasa impluwensya rin nga alak ang namatay na biktima.
Dagdag ni Tayaban na parehong mabilis ang takbo ng dalawang bahikulo ng mangyari ang insidente.
Sa ngayon ay nanatili sa kustodiya ng PNP-San Nicolas ang driver ng van matapos agad na sumuko habang nagpapatuloy ang mas malalim na imbestigasyon sa nasabing insidente.