-- Advertisements --

Patay ang isang estudyante at marami ang pinaniniwalaang dinukot ng lusubin ng mga armadong kalalakihan ang paaralan sa Nigeria.

Nakasuot pa ng military uniform ang mga suspek ng lusubin ang Government Science Secondary School Kagara.

Pinasok nila ang mga tinutuluyang kuwarto ng mga mag-aaral at mga staff ng paaralan.

Mariing kinondina ni President Muhammadu Buhari ang nasabing insidente.

Tiniyak nito ang pagligtas sa mga biktima.