-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isa patay matapos na-trap sa nasunog na bahay sa Barangay Quezon, Arevalo, Iloilo City.

Ang biktima ay si Arvin Angcay.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo Fire Chief Supt. Atty. Jerry Candido, Regional Director ng Bureau of Fire Protection Region 6, sinabi nito na apat ang tao sa loob ng bahay, ngunit tatlo lang ang nakalabas ng mangyari ang sunog.

Ayon kay Candido, nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

Napag-alaman na limang sunod-sunod na araw na na nagkaroon ng sunog sa Iloilo City mula noong Pasko.

Nagbabala naman si Candido sa publiko na maging maingat upang maiwasan ang sunog lalo na sa pagsalubong sa bagong taon.