-- Advertisements --

VIGAN CITY – Patay ang isang motorcycle rider nang banggain nito ang isang trailer truck sa Brgy. Bonifacio, Cabugao.

Nakilala ang biktima ni si Monolito Rubianes, 40 at ang sugatang back rider nito na si Alejandro Altitche, 22 miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) at parehong residente ng Brgy. Salomague sa nasabing.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Police Capt. Franco Catalan, hepe ng Cabugao Municipal Police Station, nabundol ni Ruabianes ang isang lalaking tumawid sa kalsada na si Rogelio Regalado Jr kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela.

Napunta ito sa kabilang linyan ng kalsada at bumangga sa kasalubong na trailer truck.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang driver at naitakbo sa hospital ngunit naideklarang dead on arrival.

Sa ngayon hawak na ng Cabugao PNP ang driver ng trailer truck na si John Millet residente ng Sitio Palali Brgy. Poblacion, Sablan, Benguet.