-- Advertisements --

Nakapagtala na ng isang fatality ang Philippine National Police (PNP) dahil sa Bagyong Quinta.


Ayon kay PNP Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan, ang nasawi ay naitala sa Cagayan Valley o Region 2.

Wala pang pagkakakilanlan na binibigay ang PNP hinggil sa nasawi.

Sa datos naman ng PNP, umabot na sa 40,682 ang mga inilikas dala ng Bagyong Quinta kung saan 88 sa Cagayan, 3,542 sa CALABARZON, 571 sa MIMAROPA.
36,456 sa BICOL region, 25 sa Eastern Visayas Region.


Nasa 3,558 naman ang mga stranded kung saan nasa 75 sa CALABARZON,
991 sa MIMAROPA, 1,898 sa BICOL region at 594 sa Eastern Visayas.

Sa ngayon, naka mobilized na lahat ng PNP personnel at maging ang kanilang mga kagamitan.


Sinabi ni Cascolan nasa mahigit isang libo na mga PNP Search and Rescue Team ang nakadeploy sa mga rehiyon na hinagupit ng Bagyong Quinta.