CENTRAL MINDANAO – Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nabiktima ng sakit ng dengue.
Ito ang kinumpirma ni Cotabato Integrated Provincial Health Office (IPHO) chief Dra. Eva Rabaya.
Mula buwan ng Enero hanggang katapusan ng Pebrero ay umaabot na sa 500 katao ang nagkasakit ng dengue mas mataas kung ihambing sa taong 2018.
Sa naturang bilang isa ang nasawi na nagmula sa Barangay Birada, Kidapawan City.
Dagdag ni Rabaya na ang Kidapawan City ang may pinakamaraming kaso ng dengue sa probinsya ng Cotabato.
Maliban sa dengue, pinaiigting na rin IPHO-Cotabato ang kanilang kampanya kontra tigdas.
Nakipag-ugnayan na ang IPHO sa local government, municipal level at maging sa mga opisyal ng barangay para makakapagbigay ng kaalaman kung papaano maiiwasan ang sakit na dengue.
Samantala, maging sa buong rehiyon- 12 ay tumaas din ang kasong dengue ng 159 percent.
Pumalo na sa 1,624 ang mga tao na nadapuan ng sakit na dengue mataas kumpara sa 628 cases noong nakaraang taon.