-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nasawi ang isang estudyante sa engkwentro ng magkaaway na pamilya sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Richard Tulik Tungkay, 19, estudyante ng Ned Proper National High School sa Lake Sebu South Cotabato.

Ayon sa ulat ng Sultan Kudarat Police Provincial Office na nagkasagupa ang grupo nina Mike Binago alyas Bondie,Salik Adam alyas Alex at Tat Tuan sa Brgy Molon Palimbang Sultan Kudarat.

Dahil sa tindi ng engkwentro ay umabot ito sa hangganang ng Sitio Kumilat Barangay Ned Lake Sebu South Cotabato.

Naipit sa engkwentro ang estudyante at tinamaan ng mga ligaw na bala kaya binawian ito ng buhay.

Dahil sa takot na madamay sa bakbakan ay lumikas ang 17 pamilya patungo sa mga ligtas na lugar.

Matatandaan na 200 pamilya rin ang lumikas noong buwan ng April dahil sa engkwentro ng magkaaway na pamilya sa hangganan ng Palimbang Sultan Kudarat at bayan ng Lake Sebu South Cotabato.

Sa ngayon ay may mga tao nang inatasan ang mga lokal na opisyal sa Bayan ng Lake Sebu at Palimbang para kausapin ang dalawang grupo sa mapayapang negosasyon.