-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Patay ang isang indibidual sa tribal war na naganap sa border ng Mountain Province at Kalinga.

Ayon kay PCol. Homer Penecilla, Provincial Director ng Mountain Province Police Provincial Office, nangyari ang engkwento noong Lunes matapos tumawid ang mga armadong kalalakihan mula sa Betwagan, isang nayon mg Sadanga, Mt. Province sa border ng Bugnay village, Kalinga kung saan naninirahan ang Butbut tribal folks.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon na ng mga kapulisan sa nasabing insidente.

Una nang naputol ang “bodong” o peace pact ng dalawang tribo matapos ang shooting incident kung saan inakusahan ang dalawang tribo ang isa’t-isa kung sino ang ang nagpaputok sa nangyaring shooting incident.

Samantala, pinapaalalahanan naman ang mga travelers na huwag ng dumaan sa Sadanga-Tinglayan national highway sa halip dumaan nalang sila sa ibang ruta.