Kinumpirma ng mga otoridad na isa ang nasawi sa nangyaring pagbagsak ng isang helicopters sa Guimba, Nueva Ecija kahapon, Sabado ng hapon.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesperson Eric Apolonio ang nasawi ay ang piloto mismo ng helicopter na isang babae.
Sinabi ni Apolonio nakumpirma din ito ng Guimba Police Station.
Sinabi ni Apolonio na retrieve na ang bangkay ng pilotong babae sa crash site.
Tumanggi muna si Apolonio na tukuyin ang pagkakakilanlan ng babaeng piloto dahil hindi pa nabigyan ng abiso ang mga kamag-anak nito.
Ayon kay Apolonio ang Robinson helicopter na may registration number RP-C 4324 umalis ng Baguio bandang alas-11:51 ng umaga kahapon,Sabado.
May pasahero kasing bumaba.
Bandang alas-12:05 nag stop over ang helicopter sa Binalonan, Pangasinan kung saan nag refuel ito.
Matapos ang pag refuel hindi kaagad nakalipad ang helicopter, gayunpaman bandang alas-4:30 na ng hapon ng mag take off ito.
Bandang alas-5:20 ng hapon nakatanggap ng ulat ang Guimba Police Station na may bumagsak na helicopter sa Barangay San Miguel.
Dahil dito kaagad natungo sa crash site ang mga pulis at nakita sa isang swampy area ang bumagsak na helicopter.
Batay sa nakuhang identification ang biktima ay 25-anyos.
Kaagad naman nagtungo sa crash site ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) na pinangungunahan ni (Ret.) Col. Rhomel Ronda upang alamin ang sanhi ng aksidente.
Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa insidente.