-- Advertisements --

Patay ang isang katao sa pagyanig ng magnitude 7 na lindol ang Acapulco, Mexico.

Maraming mga gusali ang nasira kabilang ang control tower ng international airport.

Ayon sa mga otoridad tumama ang lindol sa 11 miles ng northeast ng Acapulco sa southwerstern Guerrero.

Nakaranas naman ng malawakang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang estado sa Mexico City.

Agad namang nag-ikot sa lugar si President Andres Manuel Lopez Obrador para matignan kung may malaking damyos ang nangyaring lindol.