GENERAL SANTOS CITY – Nag-iwan ng isang patay ang pagkasunog ng isang lodging house sa Quezon Avenue, Barangay North nitong lungsod pasado alas-5:00 ng madaling-araw.
Dinala naman sa pagamutan ang dalawa pang biktima na sina Mark Joseph Rojo, 33-anyos, at Rolleyjay Gimena, 22, kapwa taga-Buhangin, Davao City.
Sinasabing biglang nagliyab ang lodging house kaya nadamay ang iba pang puwesto kagaya ng real state office, neuro clinic at personal collection.
Ayon kay City Disaster Risk Reduction Management Officer Dr. Bong Agripino Dacera, inaalam na ang identity ng mga biktima matapos nag-check-in sa nasabing inn subalit hindi nilagay ang pangalan sa manifesto.
Hindi rin makumpirma kung magkakasama ang tatlo kagabi nang pumasok sa lodging house dahil umaga na nang makita ang hindi na makilalang bangkay ng mga ito.
Nalaman na pagpasok ng 2020, apat na sunog na ang nangyari at ang pinakamalaki ang pagkasunog ng isang hardware nitong Sabado sa Magsaysay Avenue Barangay South at naitala ang P20 milyong pinsala.