-- Advertisements --

Nasa isang katao ang nasawi habang marami ang nasugatan sa pag-araro ng kotse sa mga tao sa Mannheim City sa Germany.

Ayon kay Stefan Wilhelm ang tagapagsalita ng Mannheim police na kanilang naaresto na ang supsek.

Naglabas na rin ng babala ang federal government ng Germany kung kaya patuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon.

Ito na ang pangalawang insidente ng pag-araro ng kotse sa nasabing bansa dahil noong Disyembre ay patay ang anim na katao matapos na sagasaan sa isang Christmas market sa Magdeburg.

Noong Pebrero naman ay patay ang mag-ina at sugatan ang 30 iba pa ng sagasaan ng 24-anyos na lalaki mula sa Afghan ang nagsasagawa ng kilos protesta.