-- Advertisements --

Patay ang isang katao matapos ang pagguho ng isang hotel sa Argentina.

Nagtala rin ng ilang katao ang naipit sa pagguho ng Dubrovnik hotel sa Villa Gesell City.

Base sa imbestigasyon na nasa 15 katao ang nasa loob ng hotel habang ito ay isinasailalim sa renovation ng bumagsak.

Isa umanong 80-anyos na lalaki ang nasawi habang patluloy na pinaghahanap ang ibang mga natrap.

Noong Agosto ay ipinatigil ang pagsasaayos sa hotel dahil sa walang kaukulang permit ito.

Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa insidente.