-- Advertisements --
Isa ang patay habang marami ang nasugatan sa pagguho ng tulay sa southwest France.
Isang 15-anyos na babae ang nasawi ng matabunan ng tulay sa Mirepoix-sur-Tarn.
Ayon sa Haute-Garonne police, nailigtas ang ina ng bikitma.
Kabilang sa natabunan ay ang tatlong sasakyan at dalawang bumbero na kabilang sa rescue team.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing pagguho ng tulay.