-- Advertisements --
Patay ang isang babae at sugatan ang iba pa matapos ang naganap na malaking sunog sa pagamutan sa Paris.
Nagmula ang sunog sa isang flat sa residential block ng Henri-Mondor hospital sa Creteil, Paris.
Mabilis na kumalat ang apoy sa 10-storey building kung saan naninirahan ang ilang staff ng pagamutan.
Hindi naman naapektuhan ang operasyon ng pagamutan.
Inilakas ang may 50 katao na ninirahan sa nasabing lugar.
Nakilala ang pagamutan sa dahil doon isinagawa ang kauna-unahang full face transplant noong 2010.