-- Advertisements --

Patay ang isang babae matapos na sumabog ang pagawaan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.

Ayon sa PNP Bocaue, manggagawa sa nasabing factory ng paputok ang biktima.

Dahil sa lakas ng pagsabog ay nagtamo ng sugat ito sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng biktima.

Dinala pa ito sa pagamutan subalit hindi na umabot pa ng buhay.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagsabog at kung may kaukulang papeles ang nasabing pagawaan ng paputok sa lugar.