-- Advertisements --

Isang katao ang patay habang marami ang nasugatan sa pagsabog ng pipeline ng Petroleos Mexicanos (Pemex) sa Pueblo, Mexico.

Agad na pinalikas ang mga residente dahil sa pangamba ng gas leak para hindi na tumaas pa ang bilang ng mga masasawi.

Nakaranas ng tatlong malalakas na pagsabog ang mga residente na ikinasira ng 30 hanggang 50 kabahayan.

Sinabi ni President Andres Manuel Lopez Obrador na nagpakalat na sila ng mga rescuers at kanila na rin iniimbestigahan ang nasabing pagsabog.