-- Advertisements --

Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga kapulisan sa United Kingdom matapos ang naganap na pagsabog ng isang sasakyan sa labas ng Womens’ Hospital sa Liverpool sa northern England.

Isang taxi umano ang sumabog na nagdulot ng isang biktima ang nasawi.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na huminto ang nasabing taxi sa labas ng pagamutan bago ito sumabog.

Ayon kay Chief Constable Serena Kennedy na katulong na nila ang counter-terrorism Police at kumukuha pa ng ibang mga detalye.