-- Advertisements --

Patay ang isang katao at marami ang nasugatan sa naganap na pagsabog sa mataong lugar sa central Istanbul.

Base sa inisyal na imbestigasyon na nasa 11 katao ang nasugatan sa insidente.

Sinabi ni Istanbul Governor Ali Yerlikaya na naganap ang pagsabog sa Istiklal Street isa ito sa pinakamataong lugar sa kanilang bansa.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.