-- Advertisements --

Nagtala ng isang kataong patay at pitong iba pa ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa Kampala, ang capital ng Uganda.

Naganap ang pagsabog sa isang bar sa nasabing lugar.

Sinabi ni Ugandan President Yoweri Museveni na posibleng inilagay ng isang suspek ang plastic bag na naglalaman ng bomba sa lugar.

Itinuturing din nito na isang uri ng terorismo ang nasabing pagsabog.

Wala pa ring grupong umako sa nasabing pagsabog.

Noong nakaraang linggo ay naglabas ang United Kingdom government ng terror alert sa Uganda.