-- Advertisements --
Patay ang isang Chinese citizen mataposang pagtaob ng barko na pag-aari ng China sa karagatan ng Rizal sa Occidental Mindoro.
Ayon sa mga otoridad naitakbo pa nila ang biktima sa pagamutan nitong hapon ng Martes subalit idineklara itong dead on arrival.
May laman na mga buhangin ang nasabing barko ng ito ay bumaligtad at lumubog dakong 4:30 ng hapon.
Mayroong 23 crew na mga Pinoy at Chinese seafarers ang nasabing barko.
Nailigtas naman ng mga otoridad ang anim na Pinoy at pitong Chinese mula sa insidente.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng aksidente.