-- Advertisements --

Isa ang patay matapos pagbabarilin ng mga bandidong Abu Sayyaf group (ASG) ang isang grupo ng mga magsasaka sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Western Mindanao Command (Wesmincom) commander Lt.Gen. Corleto Vinluan Jr., nasa sakahan ang mga magsasaka para anihin ang kanilang mga produkto ng bigla na lamang silang pagbabarilin ng mga teroristang Abu Sayyaf kahapon.

Patay sa nasabing pamamaril ang isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action team na nakilalang si Tali Lakibul.

Agad namang naglunsad ng hot pursuit operations ang militar laban sa mga teroristang Abu Sayyaf.

Una ng idiniklarang persona-non-grata ang teroristang Abu Sayyaf sa bayan ng Patikul.