-- Advertisements --

Isa ang patay habang lima ang sugatan matapos na sila ay pagbabarilin sa loob ng bus sa Los Angeles.

May kabuuang laman na 40 pasahero ang Greyhound bus na patungo sa Los Angeles at pagdating sa interstate 5 sa Grapevine area ay doon na namaril ang suspek.

Agad namang naaresto ang namaril na suspek.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang motibo ng nasabing pamamaril.