-- Advertisements --

Patay ang isang katao at walo ang nasugatan sa rocket attack sa Safed City ng north Israel.

Ang nasabing rocket ay mula umano sa Lebanon na ang target ay ang mga Israel Defense Forces.

Inako ng Hezbollah militants ang nasabing pag-atake.

Mula ng maganap ang labanan ng Israel at Hamas ay sumiklab din ang kaguluhan sa border ng Lebanon at Israel.