-- Advertisements --

Isa ang patay ng magkasagupa ang mga supporters ni US President Donald Trump at Black Lives Matter protesters sa Portland.

Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye ang mga kapulisan sa pagkakakilanlan ng nasawing biktima.

Ang Portland kasi ay siyang lugar ng kabi-kabilaang kilos-protesta matapos ang pagkasawi ng Black-American na si George Floyd noong Mayo sa kamay ng mga kapulisan.

Dahil rin sa kilos protesta ay nagpadala ng federal forces si Trump para mapigil ang mga nagaganap na nakawan at ibang krimen dahil sa kilos protesta.