-- Advertisements --

ROXAS CITY – Kaagad na namatay ang driver ng ambulansya ng Sigma-Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office matapos na sinalpok ng sasakyan na minamaneho ng hepe ng Dumalag-Philippine National Police (PNP) sa Barangay Ondoy, Ivisan, Capiz.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Ivisan-PNP, papunta sana sa Lungsod ng Roxas upang sumundo sa mga returning Overseas Filipino’s ang ambulansya na minamaneho ng isang Darius Yap.

Lulan nito ang mga frontliner na nagngangalang John Rey Castillon, 29-anyos ng Barangay Poblacion Norte, at Ernie Fulgencio 25, ng Barangay Manggoso ng naturang bayan.

Gayunman, aksidente na lamang itong sinalpok ng Montero Sport na sasakyan na minamaneho ni Police Captain Alcer Daba-ay Monsera ng Dumalag PNP, 49-anyos at residente ng Saint Jude Subdivision Manduriao, Iloilo City.

Pasahero naman nito sina Oliver Clarito Aguihap, 21-anyos ng Barangay Culajao, Roxas City, at Romelyn Gondao Baldado, 19, ng Barangay Kabankalan City, Negros Occidental.

Dahil sa malakas na impact ng pagkakasalpok, nagtamo ng malubhang sugat sa ilang parte ng katawan ang driver ng ambulansya na si Yap na agad naman dinala sa Capiz Doctor Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Ang driver namang pulis Monsera ay nagtamo rin ng sugat sa katawan na agad naman dinala sa Capiz Emmanuel Hospital.

Maliban dito, dinala rin sa ospital ang mga pasahero ng dalawang sasakyan para bigyan ang mga ito ng kaukulang lunas.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa aksidente