-- Advertisements --

Isa ang patay sa naganap na sunog sa ilang kabahayan sa 3rd Avenue, Barangay 118, Caloocan, Biyernes.

Kinilala lamang ang biktima sa pangalang “Ronald” na umano’y hindi nakalabas mula sa nasusunog na kanilang bahay.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa tatlong palapag na bahay sa nasabing lugar.

Itinaas pa sa ikalawang alarma ang sunog kung saan nagtulong tulong na ang iba’t -ibang bombero.

Aabot sa mahigit 20 mga kabahayan ang natupok ng apoy.

Sa ngayon patuloy pang inaalam nila ang sanhi ng nasabing sunog.