-- Advertisements --

Patay ang isang lalaki at isang bata ang nasugatan sa nangyaring sunog sa residential area sa Baseco Compound.

Umabot sa mahigit tatlong oras bago tuluyang naapula ang nasabing sunog na nirespondehan ng mga iba’t ibang bumbero mula sa kalapit na lugar ng Maynila.

Base sa imbestigasyon ng BFP, hindi na nakalabas ang biktima mula sa nasusunog nitong bahay.

Nagtago umano ito sa loob ng kanilang banyo hanggang sa ito ay ma-suffocate.

Nagpalipas ng magdamag sa covered court ng barangay ang mahigit 150 pamilya habang patuloy na iniimbestigahan ng mga otoriad ang sanhi ng nasabing sunog.