-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang search and rescue operations ng Japanese coast guard sa paglubog ng isang cargo ship sa karagatang bahagi ng Amami Oshima island.
Nailigtas nila ang isang 45-anyos na chief officer ng barko na si Eduardo Sareno habang hinahanap pa nila ang 38 iba pang tripulanteng Pinoy.
Ayon sa nakaligtas, agad itong nagsuot ng life vest matapos na marinig nito ang warning sa barko.
Base sa inisyal na imbestigasyon nagkaaberya ang makina nito at nahampas pa ng malakas na alon na sanhi ng pagkalubog nito.
Kasamang pinaghahanap ang dalawang New Zealander at dalawang Australians at 5,800 na baka.
Nagtulong-tulong na ang tatlong coast guard vessels, limang eroplano at special trained drivers.