-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Kinumpirma sa 26th Infantry Battalion, Philippine Army na isang rebelding New People’s Army ang napatay matapos ang kanilang engkuwentro sa bukiring bahagi sa Sitio Sagabalan, Barangay Guibonon, Esperanza, Agusan del Sur kahapon.
Una nang ipinaabot sa kanila ang presensiya ng armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro sa Headquarters Force NEO/Sub-Section Guerilla Unit sa North Central Mindanao Regional Committee dahil sa kaagad na inlusad na focused military operation na nagresulta sa sagupaan.
Sa pahayag ni Lt. Col Sandy R Majarocon, Commanding Officer sa 26IB, naganap ang sagupaan dahil sa mabilis na pagbibigay ng impormasyon at mabilis na aksiyon sa mga sundalo.