-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inaresto ni Police Major Jephre Taccad, hepe ng PNP-Pinili, Ilocos Norte ang isang lalaki dahil sa hindi pagsuot ng face mask habang nasa labas.

Nakilala ang biktima na si Glenn Tugas y Balbas, 37- anyos, construction worker at residente ng Sitio Chico, Brgy. Darat, Pinili, Ilocos Norte.

Base sa report, nakita mismo ni Taccad si Tugas na walang suot na face mask at hindi naka-helmet habang nakasakay sa motorsiklo.

Dahil dito, tinanong ni Taccad si Tugas kung mayroon itong pass slip o kahit anu mang dokumento na nagpapatunay na pwede itong lumabas ngunit wala itong naipakita kaya naaresto ito.

Sa ngayon, inaasahang haharap si Tugas sa kasong paglabag ng Article 151 ng Revised Penal Code, RA 11469 o Bayanihan to Heal as One Act at Executive Order No. 67-20 o An Order Requiring the Use of Face Mask.