-- Advertisements --

NAGA CITY – Dead-on-arrival ang isang lalaki habang sugatan naman ang dalawa pa matapos na mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo sa Barangay Canculajao, Catanauan, Quezon.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Phillip Abenilla, 37-anyos, at ang sugatan na sina Jason Organo, 29-anyos, at Elmer Caparros, 25-anyos, kapwa mga residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ng motorsiklo na minamaneho ni Abenilla habang angkas sina Organo at Caparros ang kahabaan ng national road ng nasabing lugar nang mawalan ito ng kontrol at makabangga sa isang konkretong railing.

Dahil dito, nagtamo ng tama sa ulo at iba’t-ibang bahagi pa ng kanilang katawan ang mga biktima na agad namang isinugod sa ospital para sa asistensya medikal, ngunit ideklara ring dead-on-arrival si Abenilla.

Sa ngayon, patuloy pang ginagamot sa ospital ang dalawa pang bikitma sa nasabing insidente.