-- Advertisements --

ROXAS CITY – Kinumpirma ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na isang locally stranded individual (LSI) na dumating sa Capiz kahapon ang nagpositibo sa rapid test.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Mrs. Judy Grace Pelaez, PDRRMO sinabi nito na 47-anyos ang nasabing LSI na residente ng bayan ng Panitan.

Nabatid na dalawang beses na isinailalim sa rapid test ang hindi na pinangalanang LSI at positibo ang lahat ng resulta nito.

Ayon pa kay Pelaez na asymptomatic ang naturang ginang at ngayon ay nasa Roxas Memorial Provincial Hospital habang naghihintay na isailalim sa RT-PCR test.

Nabatid na ang nasabing ginang ang kabilang sa 104 na LSIs na dumating sa Capiz sakay sa Mercy Voyage na galing sa Batangas Port.