Dalawang cadaver ng teroristang grupo ang narekober ng militar sa isinagawang clearing operations matapos ilunsad ang aerial assault at ground operations sa Maguindanao laban sa DAESH-inspired terrorists.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Philippine Army 6th Infantry Division Commander MGen Cirilito Sobejana,sinabi nito na isa sa dalawang cadaver na kanilang narekober ay foreign terrorist na isang Arab looking.
Ayon sa heneral tukoy na rin nila ang pagkakakilanlan ng nasabing foreign terrorist subalit itinanggi muna nitong pangalanan dahil magsasagawa pa sila ng further validation, pero hindi ito si Mawiyah na isang Singaporean terrorist na remants ng grupo ni Zulkifli Bin Hir alias Marwan.
“Itong latest sa clearing operations natin, nakakita tayo ng dalawang body count, dalawang bodies ng terrorists members, isa duon nakilalang foreign national. Hindi Mawiyah kundi isang Arab looking mayroon na kaming pangalan base duon sa aming data base, pero titiyakin pa namin kung siya ba talaga ito,” pahayag ni MGen. Sobejana.
Una ng sinabi ni Sobejana na tatlo sa mga high value targets ang pinaniniwalang napatay sa aerial assualt ng militar ito ay sina Salahuddin Hassan, Commander Bastardo at Mawiyah.
Napatay umano ang tatlo dahil sa aerial assault ng militar.
Una ng sinabi ng heneral na nasa 20 ang pinaniniwalaang namatay sa panig ng teroristang grupo.
Nakatutok ang operasyon ng militar sa SPMS box ito ay ang Salibu-Pagatin-Mamasapano at Shariff Aguak.