-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tatlo katao ang nasawi nang masunog ang isang pampasaherong bus sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang isa sa mga nasawi na si Johnny Roy Tadio Ramil,taga Mlang Cotabato habang ang dalawa ay inaalam pa ang pagkakilanlan at apat naman ang naisugod sa pagamutan.

Ayon sa ulat ng pulisya galing umano ng Kidapawan City ang isang Unit ng Yellow Bus Line (A-104 YBL) patungo sa lungsod ng Tacurong.

Ngunit pagsapit ng bus sa Barangay Bialong Mlang Cotabato ay isang hindi kilalang lalaki ang biglang nagsaboy ng gasolina at sabay sinindihan.

Sinabi rin ni M’lang MDRRM Head Bernardo Tayong na agad na nakalabas ng Bus ang mga pasaherong sakay ngunit tatlo sa mga ito ang hindi pinalad at nasunog.

Apat na pasahero rin ang dinala sa pagamutan nang magtamo ng minor burn sa katawan.

Marami ang naniniwala na posibleng may kinalaman sa pangingikil sa bus company ang nangyari sa isang unit nila.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Mlang PNP sa naturang pangyayari.