BACOLOD CITY – Umabot sa 37 ang successful blood donors sa Dugong Bombo na isinagawa sa Brgy. Nanca, EB Magalona, Negros Occidental nitong Sabado ng umaga hanggang tanghali.
Ito ay sa pamamagitan ng partnership ng Bombo Radyo Bacolod, Philippine Red Cross Negros Occidental-Bacolod City Chapter at EB Magalona Municipal Health Office.
Sa panayam kay Punong Barangay Roberto Jocson Jr., tinatayang 50 ang pumunta sa covered court ng Barangay Nanca ngunit 37 sa mga ito ang naqualify bilang blood donors.
Nagpasalamat ang barangay official sa Bombo Radyo sa pagpili sa Barangay Nanca bilang venue ng Dugong Bombo.
Samantala, masaya ang blood galloner na si Rodrigo Dela Cerna ng nasabing barangay na muli itong nakapag-donate ng dugo kasabay ng bloodletting activity.
Ayon sa 43-anyos na si Dela Cerna, ito na ang ika-20 pagkakataon na nagdonate siya ng dugo at collection na nito ang Dugong Bombo T-shirts.