-- Advertisements --
Ganap nang naging bagyo ang isa sa binabantayang low pressure area (LPA) na papalapit sa Pilipinas.
Sa latest bulletin ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) nitong alas-5:00 Linggo ng hapon, huling namataan ang sentro ng Tropical Depression Emong sa layong 780 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Kumikilos ang Bagyong Emong sa bilis na 25 kilometro bawat oras patungo sa direksyon ng hilaga hilagangkanluran.
Taglay nito ang hangin sa bilis na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at bugsong aabot sa 70 kilometro bawat oras.
Samantala, itinaas na ng PAGASA ang signal No. 1 sa Batanes, gayundin ang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands.