-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) rapid test ang isang overseas Filipino worker na kabilang sa dumating na mga repatriated OFWs sa Capiz ngayong araw.

Ito ang kinumpirma mismo sa Bombo Radyo ni Capiz Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Judy Grace Pelaez.

Ayon kay Pelaez na walong repatriated OFW’s ang dumating sa lalawigan ngayong araw.

Dalawa rito ay residente ng bayan ng Dumarao; dalawa sa President Roxas; isa sa Sigma; isa sa Ivisan; isa sa Sapian at isa sa Roxas City na 32-anyos na babaeng seafarer na siyang nagpositibo sa rapid test.

Ang mga repatriated OFWs ay nagsiuwian na sa kani-kanilang bayan maliban lamang sa nag-positibo sa rapid test na nasa Roxas Memorial Provincial Hospital, ang Provincial COVID-19 facility at nakatakdang sumailalim sa real-time polymerase chain reaction (RT-PCR) test.