Ibinasura na ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 ang isa sa mga kaso ni Sen. Leila de Lima.
Pero mananatili pa rin ito sa piitan dahil may dalawa pang drug related cases na kailangang resolbahin.
Ang pagbasura ng kaso ay kasunod ng inihaing demurrer to evidence ng kaniyang kampo laban sa kabiguan ng prosekusyon na makapagpakita ng sapat na ebidensya.
Ayon sa chief of staff at legal counsel ni De Lima na si Atty. Fhillip Sawali sa exclusive interview ng Bombo Radyo, nagpapasalamat sila sa naging hakbang ng korte ngunit hanggad nilang maibasura ang lahat ng reklamo laban sa mambabatas.
Giit nito, nasa panig ng mga nag-aakusa ang burden of proof para patunayang may kasalanan si De Lima, ngunit walang maiharap na matinong dokumento at testigo ang kanilang katunggali.