-- Advertisements --
TUGUEGARAO (UPDATE) – Nakaranas ng ilang aftershocks ang mga residente ng Itbayat, Batanes sa buong magdamag kasunod ng lindol sa lugar.
Dahil dito, pinayuhan ni Ronald Villa ng Office of Civil Defense (OCD) Region 2 ang mga residente na manatili lamang sa evacuation area para makaiwas sa anumang insidente.
Samantala, sinabi ni Villa na nahanap na ang isa sa mga naunang naitalang nawawala sa loob ng evacuation center.
Kasunod nito, patuloy ang isinasagawang search and rescue operation sa isa pang hindi pa nakilalang indibidwal.
Dagdag pa ni Villa na kung gaganda ang panahon ngayon araw ay ibibyahe na ang 100 family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng C130 plane.