-- Advertisements --

Naaresto na ang isa sa mga suspek na nagpasabog ng bomba sa Mindanao State University sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office (AFP PAO) Chief Xerxes Trinidad kinilala ang suspek na si Jaffar Gamo Sultan alyas Jaf at Kurot.

HIndi naman nagbigay pa si Trinidad ng ibang detalye sa nasabing pagkakaaresto ng suspek.

Magugunitang isa si Sultan sa suspek ng pambobomba sa MSU nitong Linggo ng umaga na ikinasawi ng apat na katao.