-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Health (DoH) na isa 25 na nagpositibo sa UK variant ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang binawian ng buhay.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario-Vergeire, ang nasawi ay 84-years old na pasyente.
Aniya, walang naging close contact ang nasabing pasyente dahil hindi naman ito lumalabas ng bahay.
Sa ngayon aniya, pinag-aaralan nila kung paano nahawaan ng virus ang nasabing pasyente.
Sa ngayon, nasa 22 sa 25 na mga tinamaan ng UK variant ang nakarecover na at dalawa na lamang ang aktibong kaso.
Samantala, ngayong hapon ay makikipag-pulong ang mga opisyal ng DoH sa mga eksperto sa bakuna.
Ito ay para mapag-aralan kung sinu-sino ang mga indibidwal na maaari at hindi pwedeng tumanggap ng bakuna.