CENTRAL MINDANAO- Narekober ng pinagsanib na pwersa ng Datu Montawal Municipal Police Station,4th MP MAGPPO,Alpha Company ng 7th Infantry Battalion Philippine Army at Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ng 129th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang isang sakong marijuana sa abandonadong hardin sa Barangay Dalgan Pagalungan at Brgy Dungguan Datu Montawal Maguindanao.
Ang mga miyembro ng MILF na tumulong sa militar at pulisya ay pinangunahan ni Kumander Travolta.
Matagal nang minamanmanan ng mga otoridad ang ilang residente sa naturang lugar na sangkot sa pagtatanim ng marijuana.
Sa pagtutulungan ng LGU-Datu Montawal at MILF,katuwang ang pulisya kasama ang militar ay nagtagumpay ang kampanya nito laban sa pinagbabawal na droga.
Mariing kinondena ng LGU Datu Montawal sa pamumuno ni Mayor Datu Otho Montawal at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal ang mga tao o grupo na nasasangkot sa paggamit at pagbibinta ng pinagbabawal na droga.
Matagal ng nakatutok ang mag-amang Montawal sa pinaigting na war on drugs sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte
Dagdag ni Mayor Montawal na mahalaga ang pagtutulungan ng bawat ahensya upang masugpo ang lahat na uri ng ilegal na gawain sa bayan ng Datu Montawal.
Nagtutulungan ang pulisya sa Datu Montawal sa pamumuno ni Captain Razul Pandulo,7th IB,LGU at MILF para puksain ang mga tao o grupo na sangkot sa illegal drug trade.