-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Isang sibilyan ang patay habang isang iba pa sugatan sa ginawang panununog ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga heavy equipment sa may Purok 2, Brgy. Zone 2, sa bayan ng Lanuza, Surigao del Sur pasado alas-nuebe kagabi.

Ang mga biktima na parehong watchman ng MR1 Construction kung saan ang namatay ay nakilalang si Eldrin Daraman habang ang sugatan naman na nadala na sa ospital ay nakilalang si Melvin Buniel.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Surigao del Sur Police Provincial Director Col. James Goforth na dalawang heavy equipment ang matagumpay na nasunog ng tinagayang 20 mga armadong rebelde matapos ma-delay ang pagresponde ng mga pulis at mga tauhan ng 2nd Company ng Surigao del Sur Police Mobile Force dahil sinabayan din ito ng pangha-harass ng mga rebelde sa Lanuza Municpal Police Station upang hindi kaagad makaresponde ang mga pulis sa ginawa ng makaliwang grupo.

Tumagal ng 20-minuto ang engkwentro kungsaan nagtamo ng maraming tama ng mga bala ang naturang istasyon.