-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Hinagupit ng malakas na hangin at ulan na pinaniniwalaang buhawi ang probinsya ng Cotabato.

Sa Sitio Darussalam Barangay Pisan Kabacan Cotabato isang matanda ang nasugatan at maraming bahay ang sinira ng malakas na hangin at ulan.

Nabuwal rin ang mga punong kahoy at mga pananim ng mga residente sa lakas ng hangin na animoy buhawi.

Agad namang mamahagi ng tulong si Kabacan ABC President Evangelyn Guzman at Mayor Herlo Guzman Jr sa mga residente ng Sitio Darussalam sa pangunguna ng DSWD at MDRRMC.

Samantala, sinira rin ng malakas na hangin at ulan ang mga kabahayan sa Barangay General Luna Carmen Cotabato.

Nakatakda namang mamahahagi ng tulong ang LGU-Carmen sa pangunguna ni Mayor Moises Arendain.