CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang isang myembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) nang paputukan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan ang kanilang outpost sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Anwar Guiamaloden,19 anyos,binata at residente ng Datu Piang Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao na pinaputukan ng mga armadong kalalakihan ang Bpat outpost sa Barangay Buayan Datu Piang Maguindanao.
Agad na gumanti ng putok ang mga tauhan ng Bpat na tumagal ng ilang minutong palitan ng bala sa magkabilang panig.
Umatras ang mga suspek nang matunugan nito ang paparating ng mga nagrespondeng ang mga sundalo at mga pulis.
Dinala ang sugatang BPAT sa ospital at nasa ligtas ng kalagayan nang magtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Marami ang naniniwala na posibling target ng mga suspek ang tahanan ni Datu Piang Mayor Victor Samama na malapit lamang sa Bpat outpost.
Matatandaan na pinasabugan ng dalawang 40 mm high explosives gamit ang M79 grenade launchers ang tahanan ni Mayor Samama.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng pulisya at militar ang pagpapatupad ng seguridad sa bayan ng Datu Piang.