-- Advertisements --

Personal na alitan ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa panghahagis ng granada sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Abdulraof Mustapha Pangatong,29 anyos,may asawa at residente ng Sitio Lote Barangay Poblacion Pikit Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police Major Maxim Peralta na lulan ng motorsiklo ang biktima ng dikitan ng riding in tandem suspects at hinagisan ng granada sa harap ng isang motorshop di kalayuan sa Cruzado Medical Hospital sa Fedel Flores Street Barangay Poblacion Pikit Cotabato.

Ang sugatanng biktima ay agad dinala sa Cruzado Medical Hospital sa bayan ng Pikit.

Ang pagsabog ay kasabay ng pagpupulong ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) ng LGU,Militar at Pulisya may kinalaman sa sunod-sunod na karahasan sa Pikit Cotabato.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa naturang pangyayari.