-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang monitoring at damage assessment ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa bayan ng Surallah, South Cotabato na naging sentro ng pagtama ng magnitude 5.5 na lindol pasado-alas-3 kaninang madaling araw.

Sa katunayan, wala namang inisyal na mga danyos na naitala sa mga bahay, tanggapan, paaralan o anumang infrastructure projects sa probinsiya.
Matatandaan na naging sentro ng lindol dalawang kilometro silangan ng nabanggit na bayan na may lalim na 011 kilometers.

Isa naman ang naitalang sugatan sa bayan ng Tboli, South Cotabato matapos mahulog sa tulay na nasira dahil sa landslide na dulot ng malakas na pagyanig.

Ayon maman sa Phivolcs, tectonic in origin ang dahilan ng naturang pagyanig

Habang naitala rin ang lindol sa mga sumusunod:

Instrumental Intensities:
Intensity IV – Tupi, Banga, Polomolok, and City of General Santos, SOUTH COTABATO; Kiamba and Maasim, SARANGANI Intensity III- Alabel, Malungon, Malapatan, and Maitum, SARANGANI Intensity IV – City of General Santos, SOUTH COTABATO Asahan na ang mga pinsala sa naturang pagyanig.

Kinumpirma rin ng Phivolcs ang posibleng mga aftershocks kaya’t pinag-iingat ang mga mamamayan sa South Cotabato at mga karatig lalawigan.

Matatandaan na noong nakaraang mga taon kabilang din ang probinsiya sa mga tinamaan ng malalakas na lindol.