-- Advertisements --

Patay ang isang sundalo ng Philippine Army at dalawang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (Cafgu) matapos tambangan nitong Miyerkules ng alas-8:45 ng umaga sa may Sitio Talisay, Upper Benembengan, Sumisip, Basilan.

Ayon kay Western Mindanao Command spokesperson Col. Gerry Besana, paalis ang tatlo mula sa kanilang detachment para asikasuhin ang ilang logistical matters nang bigla na lamang silang tambangan ng dalawang naka motorsiklo na armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf.

Nagtamo ng multiple gunshot wounds sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na naging dahilan sa kanilang agarang pagkamatay.

Ayon kay Besana, patuloy pa rin sa ngayon ang hot pursuit operations laban sa mga suspek.